Wednesday, November 05, 2008

AI

new uniform - new number

Pistons Introduce Iverson

Pistons President Joe Dumars introduced newest Piston Allen Iverson during a press conference Tuesday afternoon at The Palace. Iverson, who was acquired Monday for Chauncey Billups, Antonio McDyess and Cheikh Samb, will wear #1 for the Pistons.

Tuesday, November 04, 2008

havainas vs spartan

Pangalan: Havaianas Lugar na pinanggalingan:São Paulo , Brazil Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese) hah-vee-ah-naz (American English) OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino) Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber). Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan. Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.") Malulupit na katangian at kakayahan: - Masarap isuot. - Shock-absorbent - Malambot ngunit matibay - Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy - Maaaring isuot sa loob ng Starbucks - Mainam na pang-japorms - Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato - Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa - Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan - Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy Olats na mga katangian: Mahal! Mahal! Mahal!
Pangalan: Spartan Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino). Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber). Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco. Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista) Malulupit na katangian at kakayahan: - Maaring ipampatay sa ipis - Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho - Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan - Pwedeng ipamalengke - Mainam gamitin sa tumbang-preso - Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan - Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko - Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno - Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi - Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura - Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa - Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas